Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-04-07
Words:
2,309
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
49
Bookmarks:
4
Hits:
526

pre(cious)

Summary:

tanginang tawagan ng mga lalaki yan "pre"? ano yan, precious?

Notes:

just saw this on my files and cringed so hard so i'm posting this bc why not!!!

this was written way back 2020 pa :P

Work Text:

1.

 

ilang minuto na lang at matatapos na ang huling klase ni renjun ngayong araw. hindi na siya nakikinig sa mga sinasabi ni sir baekhyun dahil for sure, tungkol na naman ito sa date nila ng jowa niya. hindi naman sa nagrereklamo siya kasi kahit naman nagtuturo si sir, hindi pa rin siya nakikinig eh.  wala lang talaga siyang pake at gusto niya na lang umuwi. 

natigil siya sa pagki-click ng ballpen niya when sir baekhyun laughs. napansin niya rin na unti-unti na itong nag-aayos ng gamit kaya sinimulan niya na rin ang pagliligpit. 

"okay, class. remember ha, 'wag kalimutang magpasa ng activity. again, by pair. 'yun lang, bye." kumaway pa si baekhyun bago tuluyang lumabas ng classroom. 

anong activity sinasabi niya? lintek, nagtuturo ba siya kanina? renjun thought nagk-kwento lang siya. renjun rolls his eyes. for sure may magse-send naman ng activity na yun sa class gc nila. hindi na sya hahanap ng partner at kaya niya namang mag-isa. 

renjun is about to leave the room nang biglang may tumapik sa shoulder niya. he turns his head and sees donghyuck who looks startled. he arches his brow. "bakit?"

"ano," donghyuck scratches his head. namumula rin ang mukha niya kaya napangiwi si renjun. 

"anong ano?" malapit nang mairita si renjun. gusto niya lang naman umuwi! wala siya sa mood maghintay kung may sasabihin ba itong si donghyuck or what. 

"sunget," donghyuck chuckles while shaking his head. "gusto ko lang naman maging partner mo dun sa activity. wala pa kasi akong kapares."

hindi makapaniwala si renjun. donghyuck has friends in this class and it's so impossible na wala pa siyang ka-partner dahil lagi naman siyang pinag-aagawan kapag groupings eh. anyway, he offered. renjun knows how smart donghyuck is kaya bakit pa siya tatanggi? so he smiles. donghyuck's face lights up and he can see a glint of hope in his eyes.

ganda pala ng eyes niya? humindi kaya ako para mapahiya siya? renjun sets aside his thoughts and nods at donghyuck.

"okay," he says. lumawak naman lalo ang ngiti ni donghyuck at parang hindi makapaniwala na um-oo siya. 

"talaga ba? sige, ha? sabi mo yan," sabi ni donghyuck while he taps renjun's shoulder. "salamat, pre."

what the fuck. did he just call him PRE?

 

2.

 

hindi nanggigising si sir baekhyun ng mga estudyanteng tulog bago pa siya pumasok ng klase so renjun tries to fall asleep. wala pa siyang tulog simula kagabi dahil may tinapos siyang drama. 3 hours pa naman ang klase nila kay baekhyun ngayon kaya susulitin niya na. 

malapit na siyang makapasok sa dream land nang may maramdaman siyang tumusok sa tagiliran niya. bakit ba lagi na lang may nang-iistorbo sa kaniya? he sighs. itinaas niya ang ulo niya mula sa pagkakatungo at nilingon yung katabi niya. hindi na siya nasorpresa nang makita niya si donghyuck na nakangiti sa kaniya. umirap naman siya at tinungo ulit ang ulo.

he regrets saying yes to donghyuck noon. simula kasi nung pumayag siyang mag-partner sila dun sa activity, naupo na rin siya sa tabi ni renjun. maingay si donghyuck and renjun lowkey hates it. though donghyuck never talks to him which is something na katakataka.

again, renjun doesn't complain if he never talks to him. wala naman siyang pake at ayaw niya rin naman ng kausap.

nakaramdam ulit sya ng pagtusok sa tagiliran niya kaya inangat niya ulit ang ulo niya. this time, he frowns. kung rude lang talaga siya, sinigawan niya na 'to.  apaka-kulit. 

"ano ba 'yun?" he asks, not hiding the tone of frustration in his voice. "sabihin mo na, gusto ko matulog bago pa dumating si sir."

donghyuck smiles at him fondly. para namang masusuka si renjun. what was that for? 

"wala si sir baek, faculty meeting daw."

"weh?" he asks. ayaw niyang maniwala kay donghyuck. madalas kasi 'tong nagbibiro sa mga kaklase nila at kung pinagt-tripan niya lang si renjun, 'wag niya na ituloy. baka masapak siya. 

natawa naman si donghyuck. "mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan?" 

"oo," he deadpans.

"grabe ka naman, pre." donghyuck cackles, umarte pa ito na parang nasaktan. he puts his hand to his chest and closes his eyes. "ang sakit nun, ha. but promise, i'm not joking."

renjun narrows his eyes. bakit ba pre nang pre si donghyuck sa kaniya?

"ah, sige. salamat, pre," he says, emphasizing the word pre and leaves the room. 

 

3.

 

renjun is eating with jaemin sa canteen. nakaupo sa harap niya ang kaibigan, kumakain ng adobo with rice at nakasimangot. kanina niya pa ito sinusuway na huwag sumimangot habang nakain. masama kaya yun sabi ni mama huang pero wala rin siyang nagawa dahil his friend won't just stop.

nagc-crave kasi si jaemin ng siomai rice kaya lang nung turn niya na sa counter, biglang may sumingit at binili yung natitirang siomai rice.

"nakakainis. pogi pa naman siya but that's an asshole move so ekis," jaemin pouts. 

"malay mo gutom lang yung tao, kaya ganun?"

"eh bakit siomai rice pa? saka hindi naman mahaba yung pila! o kaya nagpaalam sana siya sa'kin na sisingit siya. nakakainis," sabi ni jaemin. 

"kumakain ka na diyan, dami mo pang satsat," renjun snorts. 

"eh kasi eh. he should've told me his name! paano ko siya mahahanap?!"

"why would he tell you his name? sino ka ba?" he snaps back.

"renjun naman eh. you don't understand! ang gwapo kaya niya, bagay kami."

"naiinis ka dahil you didn't get his name? harot talaga," renjun says, unbelievingly. "tapusin mo na nga 'yang pagkain mo." 

pinagpatuloy na lang ni jaemin ang pagkain niya. renjun looks at his watch. 30 minutes na lang at klase na ni sir baekhyun ang pupuntahan niya. another class na naman with donghyuck. hindi naman sa ayaw niya sa nasabing lalaki pero parang ganoon na nga. mabibilang lang sa daliri kung ilang beses lang sila nag-usap and mostly thru chats pa for their activity pero hindi niya talaga maatim si donghyuck. whenever he sees him, gusto niya lang masuka. 

hindi niya rin alam kung bakit. 

tumingin siya kay jaemin who's on his last spoon na ng food. nagtaka siya nang ngumuso ito at tumingin sa gilid niya. bago pa niya lingunin yung tinuturo ng nguso ni jaemin, he feels someone sit beside him.

"pwede makiupo?" 

"of cou-" wait, what? alam na alam niya yung boses na 'yan! umusog siya ng onti to the right at tumingin sa nagmamay-ari ng boses. 

kelan pa sila naging close?

"uy, pre," sambit ni donghyuck sa kaniya. ayan na naman sa pre! he can't see jaemin pero he knows na pinipigilan nitong tumawa. "paupo ako ah, wala nang seat eh."

wala nang nagawa si renjun nang magsimulang kausapin ni jaemin si donghyuck. 

what the fucking fuck, pre?

 

4.

 

"pre," jaemin says in amusement. "nice, call sign niyo 'yun?"

hinampas naman siya ni renjun. onti na lang malapit niya nang masapak ang kaibigan niya. 

katatapos lang ng klase nya at sinundo siya ni jaemin sa room nila. pauwi na sila ngayon at ayaw tumigil ni jaemin sa pagtawag ng pre sa kaniya. his friend just can't believe someone calls him pre.

well, kahit si renjun din hindi makapaniwala.

bakit naman kasi ganon, donghyuck? este, pre. 

"ba't ka pumayag na pre tawag sa'yo? ang weak ha. friendzoned ka agad?" jaemin laughs. 

"anong friendzoned ako? we're not even friends, jaem." irap niya. "saka, ano ba! mukha bang gusto ko siya?"

"oo? mukha kang natatae habang katabi mo siya! that's how exactly you looked like whenever mark's around before." 

"gago. hindi," tanggi niya.

"oo kaya."

"alam mo jaemin, just fucking shut up."

 

renjun ends up walking alone papuntang terminal ng jeep. na-badtrip kasi siya because jaemin won't shut up about donghyuck. 

cute naman daw si donghyuck at halatang may gusto sa kaniya kaya bakit hindi niya daw ito bigyan ng chance? hell, no. donghyuck is annoying at kung may gusto man ito sa kaniya, why does he call him pre? he doesn't get it. 

saka, hindi niya naman gusto si donghyuck. 

onting lakad na lang at makakarating na siya sa terminal. he's hoping na hindi mahaba ang pila dahil gusto niya na talagang umuwi. he stops for awhile para bilangin yung coins niya para hindi na siya mahirapan mamaya nang may tumigil na sasakyan sa gilid nya. 

donghyuck, again, is smiling brightly at him. renjun tenses up. 

"pre, sabay ka na sa'kin?" donghyuck offers. 

hihindi na dapat siya kaya lang ang ingay yata ng guardian angel niya sa likod. parang si rufa mae quinto na sumisigaw ng go, go, go. hindi niya na namalayan, he's nodding his head na. 

maniniwala na si renjun na gusto siya ni donghyuck eh. if he just stops calling him pre. 

renjun shakes his head. pre, masama na 'to.

 

+1

 

renjun won't admit but he ended up being friends with donghyuck. in renjun's words, they aren't friends but pwede na. 

but renjun could say donghyuck has become one of the few people who he tolerates. dahil unang-una, donghyuck isn't that bad naman pala. pangalawa, hinahatid siya nito pauwi almost everyday kahit na sa kabilang dulo pa ng city ang bahay niya. okay, medyo user na siya but kiber, marami namang pang-gas si donghyuck (rich kid eh sana ol). last but not the least, oo na, aaminin niya na. he finds donghyuck cute kahit na most of the time gusto na lang i-staple ang bibig nito.

katulad na lang ngayon.

wala na naman silang klase kay sir baekhyun and renjun doesn't have the plan to go home yet. medyo mainit pa sa labas and wala rin naman siyang balak gumala so he chooses to stay in the room. donghyuck is beside him, nakatungo ang ulo sa table ni renjun while nakaharap sa kaniya. kanina niya pa ito iniismiran at hinihila ang buhok dahil gagamitin niya ang table niya because he wants to draw but donghyuck won't budge.

oo, hindi pa sila friends.

"sige na kasi, samahan mo na 'ko. imi-meet ko lang si jeno," pagpilit ni donghyuck sa kaniya.

"alisin mo yang ulo mo diyan," he says with a warning tone. hindi naman nadala si donghyuck doon at lalo pang inidiin ang ulo niya sa table. 

"sabihin mo munang sasamahan mo 'ko sa baba." 

"ayoko nga. ba't ba ang kulit mo? mandadamay ka pa," renjun says. inirapan niya pa si ito but donghyuck just laughs.

naiinis na siya. hindi niya talaga bet kapag tumatawa si hyuck.  para kasi siyang nakikiliti and again, he thinks he'll puke. gross.

"okay," hyuck smirks. "i'll just sleep here. pagising ako kapag dismissal na ah. salamat, pre."

pinilit pa rin ni renjun alisin ang ulo ni donghyuck pero wala pa rin epek. mabigat ang ulo ni donghyuck, makapal kasi mukha eh. nang hindi niya maalis, he puts his hand on donghyuck's cheeks and presses it to the table. 

donghyuck doesn't react. nakapikit pa rin ito at parang tangang nakangiti.

"huy, ano ba? may sarili kang table para saan pa kung 'di mo gagamitin?" he protests. 

renjun sighs in defeat when he hears donghyuck snoring. bilis talaga nakatulog nito. 

so donghyuck is asleep in front of him, and he can't hold himself from staring at the boy's face. 

it's been weeks since they became not really friends but pwede na. when they finished their activity kasi, lagi nang nagc-cling sa kaniya si donghyuck as if they were close. wala na rin siyang nagagawa kundi um-oo whenever he offers na ihahatid na lang siya nito pauwi.

he's also getting used to donghyuck calling him pre which is somehow sad. dahil oo na, jaemin, kung nababasa mo 'to, medyo gusto niya na si donghyuck! medyo lang ha, and hindi aabot sa point na he'll do something about it. 

besides, he thinks it'll pass naman dahil contrary to jaemin's belief, he thinks donghyuck doesn't like like him. and renjun has already convinced himself friend lang ang tingin nito sa kaniya. dahil again, if not, why call him pre, 'di ba? maybe may shortage lang si donghyuck sa friends (which is unbelievable dahil donghyuck has everybody as his friends. oo, ganun siya ka-friendly. jaemin sometimes even ditch him for donghyuck).

buti na lang, mabilis siyang maka-move on. 

may sila ba? wala. kaya lang kasi minsan when he looks at donghyuck hindi niya maiwasang manghinayang. donghyuck is such a good catch!

"i think gusto na kita, pre." he blabs.

when he realizes what he's said, he stops playing with donghyuck's hair and stands up. then he hears donghyuck giggle. what the fuck!

renjun can feel his cheeks burning red from embarrassment. nakakahiya! minsan na nga lang siya magsalita, kahihiyan pa. nice try, pre. he runs out of the room hanggang marating niya ang dulo ng hallway where the comfort room is and enters it. 

he looks at his face in the mirror. he still feels hot kaya naghilamos siya and starts to fan himself. 

knock. knock. knock.

he doesn't care who it is and he isn't planning to leave the comfort room until he's sure na wala na si donghyuck sa school kaya walang alinlangan, he forces himself to speak loud. "i'm taking shit!"

"of course, you're not!" sigaw pabalik ng taong nasa labas, si donghyuck. narinig pa ni renjun ang mahinang pagtawa nito. renjun pulls his hair. hindi niya alam ang gagawin.

should he talk to donghyuck? ano namang sasabihin niya? or maybe he could just deny everything or act like nothing happened. pwede naman yun 'di ba? o umamin na lang kaya siya? sabi nila mas madali daw mag-move on kapag nakaamin eh. 

kaya lang paano pag umamin siya? would it be awkward? paano na siya uuwi? sayang naman yung pamasahe kung hindi na siya ihahatid ni donghyuck. pero teka nga, that's not the issue here. sorry, minsan lumalabas talaga pagka-user niya.  

he takes a deep breath and puts his hand on the knob. bahala na.

he looks at donghyuck and calms himself. he's contemplating what to do next until donghyuck speaks.

"pre, gusto din kita."