AO3 News

Post Header

Published:
2026-05-07 16:21:18 UTC
Original:
World Password Day: Keeping Your Account Secure
Tags:

Update ng AO3'

Ngayong ay ang Pandaigdigang Araw ng Password, at nais naming samantalahin ang pagkakataong ito upang paalalahanan ang lahat tungkol sa ilang paraan upang mapanatiling ligtas ang iyong mga account—kabilang na rin ang iyong account sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan).

Noong nakaraang taon, nakita ng AO3 ang pagtaas ng mga user na nawalan ng access sa kanilang mga AO3 account dahil sa paulit na ginamit o hindi ligtas na mga password na natagpuan sa mga data breach mula sa ibang mga site. Bilang tugon, ang Komite ng Patakaran at Paglaban sa Pang-aabuso kasama ang Komite ng Aksesibilidad, Disenyo at Teknolohiya, at Komite ng Sistema ay nagsasagawa ng mga hakbang upang mabawi, masiguro ang seguridad, at maabisuhan ang mga may-ari ng mahigit 10,000 account na nanganganib sa data breach.

Sa nakaraang taon, naglabas kami ng mga bagong feature upang aktibong gawing mas secure ang mga AO3 accounts, kabilang ang:

  • Mga awtomatikong email ng kumpirmasyon na nagbibigay-alam kapag nabago ang inyong username, password, o email
  • Pagdaragdag ng hakbang sa beripikasyon sa proseso ng pagpapalit ng email na nauugnay sa inyong account
  • Pagpapabatid sa inyo kung ang inyong kasalukuyan o bagong password ay tumutugma sa isang password na natuklasan sa isang data breach mula sa ibang site
  • Pagpigil sa mga user na pumili ng mga bagong password na masyadong maikli
  • Pagtaas ng maximum na haba ng password mula 40 hanggang 72 na karakter
  • Hinihiling na ibigay mo ang email address na nauugnay sa iyong account upang i-reset ang iyong password
  • Pag-update ng layout at mga salita sa proseso ng pagpapalit o pag-reset ng inyong password

Paano Protektahan ang Iyong AO3 Account

Ang pinakamainam na magagawa ninyo upang maprotektahan ang inyong sarili sa AO3 at sa ibang site ay tiyaking ang inyong mga password ay matibay, nag-iisa, at ligtas. Sa pangkalahatan, inirerekomenda namin na kayo ay:

  • Palaging tingnan ang haveibeenpwned.com upang malaman kung ang inyong email, mga password, o iba pang impormasyon ay na-expose sa mga data breach, o kung ang inyong mga password ay lumabas sa mga kilalang data breach.
  • Palitan ang inyong mga password para sa anumang website na na-breach, pati na rin ang mga account sa ibang site kung saan maaaring ginamit ninyo ang parehong password.
  • Magtakda ng natatangi at ligtas na password para sa bawat isa sa inyong mga account sa lahat ng platform.
  • Gumamit ng password manager. Makakatulong ito sa inyo na magtakda ng natatangi at ligtas na mga password para sa bawat account nang hindi kailangang mag-alala na makalimutan ang mga ito. Maraming browser ang may libreng built-in na password manager kung nais ninyong umiwas sa third-party na software.
  • Siguraduhing parati ninyong tinitingnan ang inyong email. Huwag gumamit ng pansamantala, pang-eskwela, o pang-trabahong email para sa mga personal na account. (Kung kailangan ninyong i-update ang email na kaugnay ng inyong AO3 account, pumunta sa inyong Preferences page at i-click ang "Change Email" (Palitan ang Email) na buton sa kanang itaas. Sundin ang mga tagubilin sa pahinang iyon upang ma-update ang inyong email address.)
  • Panatilihing updated ang inyong antivirus software at operating system, at itakda ang mga ito na parating mag-scan para sa malware.
  • Mag-log out kapag tapos na kayong gumamit ng mga device na maaaring gamitin ng iba, at huwag ipahiram ang inyong mga personal na device sa ibang tao.
  • Huwag kailanman gamitin muli ang mga password o ibahagi ang inyong mga password kaninuman, sa anumang dahilan.

Mga Pagbabago sa Hinaharap

Ang pagpapanatiling ligtas ng AO3 para sa lahat ng aming mga user ay isa sa aming pinakamataas na prayoridad dito sa OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha). Patuloy kaming naghahanap ng iba pang mga paraan upang matulungan kayong maprotektahan ang inyong account.

Hinihikayat namin kayong sundan kami sa aming mga opisyal na platform at mag-sign up para sa OTW News by Email upang manatiling updated sa mahahalagang anunsyo at mga pagbabago sa AO3. Kung interesado kayo sa mga bagong feature, mga update sa seguridad, at pag-aayos ng mga bug, inirerekomenda naming tingnan ang aming release notes.


Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.